-- Advertisements --

Aprubado na ng Kamara ang panukalang nagpapatibay sa voter registration at pag-institutionalize sa online registration system.
Nasa 307 na mambabatas ang bumuto para sa pagpapatibay sa House Bill 7241.

Aamyendahan nito ang Republic Act 8189 o ang Voter’s Registration Act of 1996 kung saan papahintulutan ang pagpaparehistro ng botante online.

Kasama rin sa isinusulong ang digitalization ng talaan ng mga botante, gayundin paglilinis sa talaan at pagpapalit ng rehistro.

Kabilang sa maaaring isumiteng proof of residence sa pagpaparehistro ang tax declaration o patunay ng pagbabayas sa real property tax, utility bill gaya ng kuryente, tubig, telepono o mobile phoen subscription, sinumpaang salaysay mula sa dalawang disinterested witness na nagpapatunay na doon nakatira ang aplikante at iba pa.

Ang aplikasyon para sa pagpaprehistro ay maaaring isumite sa tanggapan ng election officer o sa website ng Comelec.

Kung sa pamamagitan ng online isumite ang registration, magpapadala ng kumpirmasyon ng Comelec ang magpapadala ang poll body ng paraan kung paano mabantayan ang status ng application.

Isinusulong din sa nasabing panukala na magsagawa ng quarterly na paglilinis sa lisatahan ng registered voters kung saan tatanggalin ang mga namatay na matapos sertipikahan ng Philippine Statistics Authority.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, layon ng nasabing panukala para hikayatin at tiyakin na mayruong ang continuing system of voter registration.

“The application for registration may be submitted personally or electronically and shall be processed in accordance with Republic Act
No.10367, titled ‘An Act providing for mandatory biometrics voter registration’ at the expense of the Commission,” dagdag pa ni Speaker.

Malinaw din sa panukalang batas na, “No transfer of a voter’s registration to another barangay shall be allowed within 120 days before a regular election and 90 days before a special election.”