-- Advertisements --

Pasado na sa senado ang panukalang batas na nagbibigay ng ligtas at maginhawang daanan para sa mga pedestrians, bikers at non-motorized vehicles.

Ang Senate Bill No. 1290, o kilala bilang “Walkable and Bikeable Communities Act,” ay pasado nas a third at final reading na mayroong 21 sumang-ayon at walang kumontra.

Ang nasabing panukalang batas ay iniakda ni Senator Pia Cayetao ang chairperson ng Committee on the Sustainable Development Goals, Innovations at Future Thinkings.

Kasama niya rito bilang co-authors sina Senators Grace Poe, Joseph Victor “JV” Ejercito, Jinggoy Estrada, Ramon Bong Revilla Jr., Sonny Angara, Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher Lawrence “Bong” Go, Majority Leader Joel Villanueva, at Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Sinabi ni Senator Cayetano na maraming mgaa Filipino ang nagbibisikleta na lalo noong lockdowns ng pagbawalan ang pamamasada ng mga pampublikong sasakyan.

Dagdag pa nito na ang pagkakaroon ng ligtas na daanan para sa mga bicycle lanes, walkways at slow streets sa bansa ay magreresulta sa pagbawas ng carbo emissions at pagluwag pa ng kalsada mula sa mga sasakyan.