-- Advertisements --

Iginiit ni Sen. Bong Go na walang dapat maging squatter sa sariling bayan kasabay ng paghahain ng panukalang batas na naglalayong maglaan ng funding support sa malakihang mga pro-poor housing program sa bansa.

Ang panukalang batas na “National Housing Development, Production and Financing (NHDPF) Act of 2020” ay balak gawing permanente ang programa sa pagtugon sa pangangailangang pabahay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikom at pangangalap ng housing funds at paghikayat sa public at private sector na makibahagi sa nasabing programa.

Sa kanya umanong pag-iikot sa mga biktima ng sunog at mahihirap na komunidad, nasaksihan ni Sen. Go ang kawalan ng housing roadmap para mabigyan ng disenteng tahanan ang bawat pamilyang Pilipino.

“Dapat sa susunod na mga taon, wala nang squatter sa sariling bayan. This measure aims to address the 6.5-M housing gap over the period of 20 years,” ani Sec. Go.