-- Advertisements --
download
Sen. Sherwin Gatchalian (PRIB Photo by Albert Calvelo)

Naghain si Senador Sherwin Gatchalian ng panukalang batas na tutukoy sa mga maritime zone ng bansa na naaayon sa mga batas ng Pilipinas ukol sa maritime territory nito sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ang paghahain ng Senador ay sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.

Iginiit ng Senador na sa pamamagitan ng pagdedeklara ng maritime zone boundaries ng Pilipinas, palalakasin ng bansa ang geographical extent ng maritime domain nito.

Inihayag ni Gatchalian na noong nilagdaan at niratipikahan ng bansa ang UNCLOS noong 1982 at 1984, ito ay naging isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng legal at institutional framework para sa maritime governance at pagtatalaga ng maritime zone allocations ng bansa bilang isang archipelagic state.

Gaya ng iminungkahi, ang mga maritime zone ng bansa ay binubuo ng internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zone, exclusive economic zone (EEZ), at continental shelf alinsunod sa international law.

Tinutukoy ng panukalang batas ang lawak ng territorial sea ng bansa sa 12 nautical miles, contiguous zone sa 24 nautical miles, at EEZ sa 200 nautical miles.

Inaprubahan na ng House of Representatives noong Mayo ang bersyon nito ng panukalang lumikha ng maritime zones ng bansa.

Nakuha ng Pilipinas noong 2016 ang isang landmark arbitral ruling na ang pag-aangkin ng China sa tinatawag na nine-dash line sa West Philippine Sea ay walang batayan sa batas at walang ligal na epekto.