Isinusulong ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang panukalang batas ang House Bill No.491“An Act Strengthening the Philippine Footwear, Leather Goods and Tannery Industries, Providing Incentives and Funds Therefor, and for Other Purposes.”
Sa nasabing panukala maglalaan ng pondo para lalo pang mapalakas ang industriya ng sapatos sa bansa.
Naghahanap ngayon ng mapagkuhanan ng pondo si Rep. Quimbo para mabigyan ng dagdag na suporta ang mga local manufacturers ng sapatos nang sa gayon lalakas muli ang shoe industry sa bansa.
Sinabi ni Quimbo na sa ngayon ang pwedeng pagkuhanan ng pondo ay ang duties and taxes sa mga imported footwear dahil hindi pwede kunin ang pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Sa pagdinig ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts sa pamumuno ni Rep. Christopher De Venecia nagkaroon ng deliberasyon ukol sa nasabing panukala.
Naniniwala kasi si Rep. Quimbo na panahon na para palaguin muli ang shoe industry sa Pilipinas.
” What we really want to do is the same thing East Asia economist did in the 70’s and 80’s is to do import substitution and later on promote export, in other words right now mas marami ang imported kay sa domestically produced. Ang gusto natin mas ma develop ang ating domestic producers such that kakayanin nila i produce yung ini-import natin,” pahayag ni Rep. Quimbo.
Ang panukala ni Quimbo ay layong amyendahan ang isang existing law para mapabuti pa ito, lalo at nag lapsed o paso na ang developmental incentives.
Binigyang-diin ng mambabatas na maraming issues sa existing law lalo na sa procurement section na dapat baguhin.
Sa sandaling maging batas ang HB 491 magbibigay ito ng “developmental incentives” bukod sa iba pang “preferential na access sa financing sa flexible loan terms, rebate para sa mga pamumuhunan sa mga modernong makinarya at kagamitan at mga bagong teknolohiya; rebate para sa subcontracting sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) o sourcing ng mga hilaw na materyales o serbisyo mula sa MSMES; suporta para sa marketing, mga kampanyang pang-promosyon, mga perya, mga eksibisyon at mga kumperensya kabilang ang pamamahagi”.
Umapela naman si Quimbo sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) na makipag-ugnayan sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Trade and Industry (DTI) para magsumite ng position paper kung paano sila maaaring suportahan ang mga lokal na industriya.