-- Advertisements --

Matapos ngang mapag-iwanan ang mga Pilipinong mag-aaral sa 2022 program for International Student Assessment (PISA) study, hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpasa ng panukalang batas para sa pagpapatayo ng kahit isang public math at science high school sa lahat ng mga probinsiya sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ng Senador na makakatulong ang Senate Bill No. 476 o ang Equitable Access to Math and Science Education Act para matugunan ang mababang proficiency levels ng mga mag-aaral na Pilipino sa asignaturang matematika at siyensiya.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Sen. Gatchalian, ang mga ipapatayong paaralan ay magpapatupad ng 6 na taong integrated junior-senior high school curriculum na nakapokus sa advanced science, mathematics at technoloy subjects sa ilalim ng patnuby ng Department of Education at Department of Science and Technology.

Ang naturang curriculum ay base sa nirebisang curriculum ng PH Science High School System para sa Grade 7 at 12.

Ang mga magtatapos sa naturang mga eskwelahan ay dapat na mag-enroll sa mga fileds gaya ng pure at appiled sciences, mathematics, engineering o anumang iba pang field.

Una rito, base sa Senador, ang PH ay ika-76 pwesto mula sa 81 mga bansa pagdating sa matematika at ika-79 sa sceince sa 2022 PISA data.