Target ng House Quad Committee na bumuo ng panukalang batas na tuluyang magbabawal sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
Ginawa ng kamara ang pahayag kasabay ng nagpapatuloy na pagdinig ng mababang kapulungan ng kongresohinggil sa umano’y ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng POGO.
Sa isang pahayag, iginiit ni Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers na kailangan nilang makapag balangkas ng batas na siyang magpapa walang bisa sa Executive Order No. 13 na unang inilabas ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Sa ilalim kasi ng kautusang ito ay pinapayagan ng gobyerno ang POGO na makapag operate sa Pilipinas.
Naniniwala ang mambabatas na hanggat walang umiiral na batas na nagbabawal sa operasyon ng POGO ay mananatili pa rin ito at magtatago lamang sa ibang pangalan.
Giit ng opisyal, mahigpit na ipinagbabawal ang POGO o sugal sa China kayat kailangan na matigil na rin ito sa Pilipinas.