Inihain ng isang mambabatas ang panukala para sa pagbibigay ng unemployment insurance para sa displaced workers.
Sa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo layon nitong makatanggap ang mga manggagawa ng 80% ng sahod sa loob ng tatlong buwan matapos na mawalan ng trabaho.
Nilalayon din nito ang paglikha ng Philippine Job Insurance Corporation na kahalintulad ng state health insurer na Philhealth para mangasiwa sa pagbibigay ng insurance.
Sa nasabing panukala, kailangang maghulog ng contribution ang isang empleyado gayundin ang mga employer at gobyerni para sa insurance fun ng mga displaced workers.
Sa pagtaya ng mambabatas, para sa minimum wage earner na sumasahid ng P11,000 , ang ihuhulog ay P44 kada buwan para sa empleyado, P44 din para sa employer at P44 sa gobyerno.
Sinabi din ng mambabatas na nakasaad sa kaniyang panukala na gagawing mandatory na ang job insurance contributions.