-- Advertisements --
Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representative ang panukalang pag-regulate sa paggawa, paggamit at pagbebenta ng mga electronic cigarettes.
Nakasaad sa probisyon ng House Bill 9007 o “Non-Combustible Nicotine Delivery Systems Regulations Act” na dapat ay 18-anyos lamang ang makakabili ng mga electronic nicotine.
Nakalagay din sa panukalang batas na dapat magpakita ng government ID ang mga bibili para matiyak na sila ay nasa tamang edad.
Papayagan din ito ibenta sa online basta mahigpit na sumunod sa panuntunan ng gobyerno ang seller.
Dapat din aniya na mayroong 100 meter ang layo nito sa paaralan para makapagbenta sila.