-- Advertisements --

Aprubado na sa House committee on banks and financial intermediaries ang substitute bill na nagreregulate sa paggamit ng mga bank accounts, e-wallets at ibang mga financial accounts.

Ang nasabing panukalang batas ay naglalayon na maprotektahan ang publiko laban sa cybercriminals at criminal syndicates.

Sinabi ni Panel chairman Representative Junnie Cua na layon din ng panukalang batas na makamit ang mataas na convictions sa mga sangkot sa krimen sa mga banking and financial industry.

Ilan sa mga pinagbabawal na nakasaad sa panukalang batas ay ang paggamit at pagbubukas ng banko para makatanggap ng mga pera mula sa mga kriminal at ang pagbubukas ng mga bank accounts na may kahina-hinalang pangalan.

Paghiram ng mga bank accounts, e-wallets para makuha ang mga pera na galing sa mga krimen.