-- Advertisements --
Naipasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang bigas na lamang ang ibigay imbes na pera sa mga benepesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Programa.
Nakasaad sa joint resolution ng Senado at House of Representatives, magbibigay na lamang ng nasa 20 kilos na bigas para sa mga benepesaryo ng 4P’s.
Bibilhin ng gobyerno ang mga bigas mula sa mga lokal na magsasaka sa bansa.
Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development Office na kailangan amyendahin muna ang nakasaad sa General Appopriations Act of 2019 na nakasaad na ang mga 4Ps benepesaryo ay makakatanggap ng pera.