-- Advertisements --
Nanawagan si House Deputy Speaker Raneo Abu sa liderato ng Kamara na gawing prayoridad ang pagbibigay ng suporta sa mga naulila ng mga hukom at mahistrado.
Ito ay matapos na pinatay si Tagudin, Ilocos Sur RTC Judge Mario Anacleto Bañez noong nakaraang linggo.
“Palagi kasi nariyan ang banta ng pag-atake sa mga opisyal ng hudikatura dahil na rin sa kanilang trabaho,” ayon pa kay Abu.
Kaya hiniling ni Abu sa liderato ng Kamara na ipasa ang House Bill 2088, kung saan tatanggap ng pensyon ang mga biyuda at anak ng mga namatay na hukom at mahistrado.
Sa pamamagitan nito ay maeenganyo ang mga huwes na magbigay ng hustisya na wala man lang kinakatakutan.