-- Advertisements --
Nakatakdang tatalakayin ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) sa kanilang mga susunod na meeting ang panukalang ipagbawal ang caroling lalo sa kalsada sa darating na Kapaskuhan dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa ito natalakay pero tiyak nitong maisasama ang panukala sa mga susunod na meeting ng IATF.
Ipinanukala ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang caroling ban para umano maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Inihayag ni Gov. Mamba na maaaring magpalabas ng ordinansa ang local government unit (LGU) pero mas epektibo kung manggagaling ito sa IATF.