-- Advertisements --
image 374

Kinumpirma ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chair at Marikina Rep. Stella Quimbo na mananatili ang kontrobersiyal na confidential at intelligence funds kapag inaprubahan ng House panel ngayong linggo ang proposed 2024 budget.

Kung saan nasa P5.277 billion ang hinihiling na intelligence expenses ng pamahalaan at P4.864 billion sa confidential expenses.

Ayon kay Quimbo, tanging dalawa lamang ang ginawang pagbabago sa pondo.

Kabilang dito ang pagbibigay sa mga ahensiya ng 2 taon sa halip na isa lamang at kalahating taon para gugulin ang maintenance and other operating expenses (MOOE).

Ikalawa, tanggalin ang requirement sa Kongreso para magsumite ng reports sa ehekutibo.

Hindi naman pumayag ang panel sa naging suhestiyon ni Ombudsman Samuel Martires na tanggalin ang requirement na nagsasapubliko sa reports ng Commission on audit.

Ang pag-apruba ng panel sa panukalang confidential at intelligence funds ay magbibigay daan para sa pagsisimula na ng deliberasyon sa plenaryo sa susunod na linggo o sa Setyembre 19 na may layunin maaprubahan ang pondo bago matapos ang Setyembre.