Pinaseserpitikahang urgent kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Salary Standardization Law V para sa mga guro at nurses matapos itong aprubahan ng House Committee on Appropriations nitong araw ng Lunes.
Iginiit ng chairman ng komite na si Davao City Rep. Isidro Ungab na makakabuti kung sertipikahang urgent ng Pangulo ang House Bill 5712 upang maihabol ang pag-apruba rito ng Kongreso bago ang kanilang bakasyon simula nitong linggo.
Sa ilalim ng panukala, tataasan ang sahod ng mga taga-gobyerno kabilang na ang mga pampublikong guro.
Nakasaad sa panukala na ang mga Salary Grade 1 employee ay makakatanggap ng P2,000 na dagdag sa kanilang sahod o P500 kada taon simula 2020 hanggang 2023.
Sakaling tuluyang maisabatas, ang Salary Grade 1 naman na mga guro ay may dagdag na 30.1 percent, ang Teacher 2 ay may dagdag na 27.1 percent, at 24.1 percent naman ang para sa Teacher 3.
Gayunman, umaasa si Ungab na hindi magiging problema ang limitadong pondo para sa susunod na taon dahil P34 billion naman ang pondo para sa kanila.