-- Advertisements --
image 359

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang panukalang divorce law mula sa publiko, ang usaping ito kasi ay nais na muling buksan sa kamara bilang pagpapahalaga sa well-being ng mga mang gagawa maging sa labas ng kanilang trabaho.

Sapamamagitan ng House Bill 4998 o ang Absolute Divorce Act of 2022, itinutulak nito ang pagsasabatas ng divorce law.

Ayon pa kay Davao Del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez, mayroong karapatan ang bawat indibidwal na umalis sa relasyong hindi na maganda para sa kanilang kalusugan mapa mental o physical health.

Ngunit ayon sa ating mga nakapanayam, hindi umano sila pabor sa panukalang batas na ito dahil tayo ay nasa Pilipinas.

Sinabi pa ni Girlie Gonzales na kawawa umano ang mga anak na maghihirap kung sakali mang maghihiwalay ang mag asawa.

Pareho naman ang naging stand ni Dong Luz, aniya hindi siya pabor sa panukalang divorce dahil ang nakasanayan raw ng mga Pinoy ay buo ang pamilya, iba naman raw tayo sa ibang mga lahi.

Kung matatandaan kasi, bukod sa Vatican ang Pilipinas lang ang bansang illegal rin ang Divorce.

Isinusulong itong divorce law sa kongreso, dahil kung mapapansin, base sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa halos kalahati ng labor force sa bansa ay kasal o mayroong asawa.

Ang pagkakaroon raw ng di maganda relasyon, ay malaki ang nagiging epekto sa kalidad ng trabaho ng isang indibidwal.

Mayroong dumaranas ng depression o di kaya ay anxiety.

Para kay Representative Alvarez, ang mambabatas na sumusulong sa panukalang ito, may karapatan raw ang bawat mang gagawa na umalis sa isang relasyon sa legal na paraan kung ito na mismo ang sumisira sa kanilang kinabukasan at trabaho.