-- Advertisements --

Pabor si Senator Ronald dela Rosa na gawing batas ang panukalang firing squad sa mga korupt na opisyal ng gobyerno para tuluyan ng masolusyunan ang korupsiyon sa bansa.

Sa eksklusibong panayam sa “The Vote 2025” program ng Bombo Radyo, iginiit ng Senador na dating nagsilbi ding hepe ng Philippine National Police na “bakit matatakot kung hindi naman gagawa ng korupsiyon”.

Ipinunto pa ng mambabatas na kahit ano aniyang batas na gawin laban sa korupsiyon ay tila hindi epektibo pero kung sakali man aniya na maisabatas ang naturang panukala, baka kumunti na lamang ang tatakbong elective officials.

Samantala, aminado naman si Sen. dela Rosa na posibleng mahihirapang maipasa bilang batas ang panukalang firing squad sa mga tiwaling opisyal.

Ito ay dahil walang batas para sa death penalty sa Pilipinas.