Namayani ang botong “No” sa plebisito para gawing highly urbanized city ang San Jose del Monte, Bulacan ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Base sa certificate of canvass of votes na inilabas ng Comelec, nasa kabuuang 820,385 botanteng Bulakenyos ang tumutol habang 620,707 naman ang pumabor.
Sa mahigit 2 million rehistradong botante sa San Jose del Monte, tanging nasa 1,608,004 katao ang aktwal na bumoto.
Maaalala na itinakda ng Comelec ang plebisito para sa conversion ng SJDM bilang highly urbanized city noong Oktubre 30 parehong araw ng idinaos na Barangay at SK elections.
Kung saan sa 2 pahinang manifesto, 23 lungsod sa Bulacan at municipal mayors ang nagpahayag ng kanilang suporta sa plebisito.
Binanggit ng mga ito ang Section 452 ng Local Government Code of 1991 na naglalahad na ang mga lungsod na mayroong minimum population na 200,000 na sinertipika ng Philippine Statistics Authority at may latest annual income na 50 million ay dapat na mauri bilang highly-urbanized cities.