-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Justice na masyado pang maaga para ikonsidera na gawing star witness si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo laban sa mga protektor ng Philippine Offshore Gaming Operators na ilegal na nag ooperate sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Undersecretary Nicolas Felix Ty na sa ngayon ay wala pang ginagawang pag-amin ang suspendidong alkalde sa pagiging konektado nito sa POGO na ni raid ng mga otoridad sa kanyang bayan.

Giit ni Ty, hindi madali ang paglalagay ng isang indibidwal sa ilalim ng star witness dahil maraming requirements na ikokonsidera.

Kung maaalala, naghain ng panukala ang senado na gawing star witness si Guo nang sa gayon ay maituro nito kung sino ang protector ng ilegal na POGO sa bansa.

Ito ay matapos na sambitin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na may isang former Cabinet secretary ang nakikiusap sa kanila para payagan na makapag operate ang isang aplikante ng POGO.