-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang substitute bill na nagbibigay ng general tax amnesty sa loob ng isang taon para sa lahat ng mga hindi nabayarang national internal revenue taxes simula noong noong 2018 pababa.

Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng komite, na hangad ng panukala na makapag-generate ng substantial revenue at mabigyan ang pamahalaan ng flexibility.

Sa pagkolekta ng mga buwis habang hinihimok ang mga hindi nagbabayad ng buwis na i-settle ang kanilang bayarin.

Sa ilalim ng panukala, maglalaan ng pondo para sa pagtatag ng database ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sa social mitigating services ng pamahalaan, at “Build, Build, Build” program.

Sinabi naman ni AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin na target ng panukala na pagbutihin ang pagkakaintindi ng mga hindi nagbabayad ng buwis sa tax system ng bansa.

Bukod dito, palalawakin din ng panukala ang tax base at taasan ang karagdagang kita ng pamahalaan.