Inaprubahan nuong Lunes ng House of Representatives sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10174, o ang panukalang “Geriatric Health Act.”
Layon ng panukala na gawing National Center for Geriatric Health and Research Institute ang Dr. Eva Macaraeg-Macapagal National Center for Geriatric Health, na nasa ilalim ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC).
Sa sponsorship speech, sinabi ni House Committee on Health chairperson at Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. na ang panukala ay isa sa mga prayoridad na specialty facilities na magsisilbi bilang isang apex hospital, o end referral center na dalubhasa sa geriatric health care.
Pinagtibay na rin ng Kamara ang House Resolution 1650, na nananawagan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na ibalik sa dating school calendar ang pasukan, na nagsisimul sa sa buwan ng Hunyo, at nagtatapos sa buwan ng Marso para sa mga basic education institutions.
Ang HR 1650 ay inihain nina House Committee on Basic Education and Culture chairperson at Pasig City Rep. Roman Romulo, at ilang pang mga mambabatas.