-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang humihimok sa mga business organizations na makibahagi sa mga corporate social responsibility (CSR) activities.

Sa botong 158 na affirmative votes at walang negative vote o abstention, nakalusot sa Kamara ang House Bill No. 9061.

Hangad ng panukalang batas na ito na pahintulutan ang mga stock corporations na panatilihin ang kanilang kita na sobra sa 100 percent ng kanilang paid-in capital stock para gamitin sa expansion o CSR projects.

Sa ilalim ng panukalang batas na ito, kabilang sa mga CSR efforts ay mga charitable projects, scientific research, youth at sports development at marami pang iba.

Inaatasan din nito ang Department of Trade and Industry na kilalanin o bigyan ng reward ang mga business establishments para sa outstanding CSR activities.