-- Advertisements --

Isinusulong ng isang mambabatas ang panukalang libreng tuition para sa mga government employees na nais magpursige ng kanilang pag-aaral lalo na ang master’s degree lalo na ang mga public school teachers ng sa gayon ma-promote ang mga ito sa ilalim ng Department of Education (DepEd)’s expanded career progression system.

Ang nasabing panukala ang House Bill 8834 ay inihain ni Rep. Brian Raymund Yamsuan.

Ang HB 8834 or the proposed Free Master’s Degree Tuition for Government Employees Act.

Sakop nito ang career and non-career workers na nasa public sector na mag-enroll sa state universities and colleges (SUCs) para kumpletuthin ang kanilang graduate studies.

“Under the implementing rules and regulations (IRR) of the expanded career progression system for public school teachers signed by DepEd Secretary Sonny Angara, the promotion process for public school teachers would now be faster because they can now choose to either continue teaching or move to administrative roles, unlike before when their only option was the latter . But these higher positions require them to pursue or complete a master’s degree, which many of them cannot afford,” pahayag ni Yamsuan.

Umapela si Yamsuan sa kaniyang mga kapwa mambabatas na aprubahan na ang panukalang batas ng sa gayon makatulong ito sa mga libo libong mga guro na nais ipursige ang kanilang pag-aaral.

Sa ilalim ng IRR para sa career progression system ng mga guro sa pampublikong paaralan na nakabalangkas sa Executive Order 174, ang base ng sistema ng karera ng mga guro sa pampublikong paaralan ay isasama ngayon ang karagdagang mga posisyon sa pagtuturo ng Teachers IV hanggang sa VII.

Ang mga posisyon ng Master Teacher I hanggang IV ay bubuo sa Classroom Teaching Career Line at isasama ang karagdagang posisyon ng Master Teacher V.

Samantala, ang School Administration Career Line naman ay sumasaklaw sa mga posisyon ng School Principal I hanggang sa IV.

Ang mga linya ng karera na ito ay nangangailangan ng karagdagang mga yunit ng akademiko na humahantong sa isang master’s degree o ang pagkumpleto ng isang master’s degree.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang libreng matrikula ay sumasaklaw sa master’s program na maximum na dalawang taon sa anumang SUC kung saan matagumpay na humingi ng pagpasok ang empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Yamsuan, mga empleyado ng gobyerno na nabigyan na ng anumang graduate education scholarship na itinataguyod ng estado, pampubliko man o pribado, dito o sa ibang bansa; ang may nakabinbing kasong administratibo na kinasasangkutan ng malalang pagkakasala; at ang mga hindi sumusunod sa admission at retention policies ng SUC ay hindi karapat dapat na mag avail ng libreng matrikula sa ilalim ng panukalang batas.