-- Advertisements --

Isinusulong ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na patawan ng mabigat na parusa at pagkakakulong sa sinumang manloloko at mambiktima ng mga OFW at ng kanyang pamilya.

Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain bukas, January 13,2025 sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara ni Rep. Tulfo ang House Bill na ” An act penalizing fraud against Overseas Filipino Workers and providing penalties for violation thereof.”

Bukod kay Tulfo, may akda din sa nasabing panukala sina Rep. Edvic Yap, Jocelyn TUlfo, Benguet Rep. ERic Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na karamihan sa natatanggap nilang reklamo ay mga OFW ang nagiging biktima ng mga scammer.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na dapat wakasan na ang ganitong mga panloloko kaya kailangan na ng batas para maprotektahan ang mga OFW.

Ang nasabing batas ay magiging Overseas Filipino Worker Protection Against Fraud Act of 2025.

Sa ilalim ng batas kinikilala ang invaluable contributions ng mga OFWs lalo na sa national development na layong protektahan ang kanilang pinaghirapang kita mula sa mga panloloko at abuso.

Hindi bababa sa P10 milyon ang multa at 20 taon hanggang life imprisonment sa sinumang mapapatunayang guilty sa panloloko sa mga OFW.