-- Advertisements --

Inihain ng mga Kongresista ang panukalang batas na binibigyang otorisasyon ang gobyerno na bawiin ang mga estate na iligal na nabili ng mga banyaga sa bansa. 

Partikular ang mga estates na may kaugnayan sa iligal na operasyon ng POGO.

Ito ang House Bill No. 11043 o ang “Civil Forfeiture Act” na iniakda ni Senior Deputy Speaker Rep. Aurelio Dong Gonzalez, Derputy Speaker Jayjay Suarez,  Rep. Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido Abante at Rep. Stephen Caraps Paduano.

Ang Panukala  ay resulta sa nagpapatuloy na pagdinig ng Quad Comm hinggil sa extra judicial killings, iligal na operasyon ng POGO at iligal na droga.  

Ngayong araw muling ikinasa ang ika-10 pagdinig ng quad committee. 

Unang tatalakayin ang isyu sa extra judical killings.  

Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig ngayong araw sina dating PDEA chief Wilkins Villanueva, dating sen.. Leila de Lima , mga opisyal ng PNP at mga NGOs.  

Pina subpoena na rin ng Komite ang dating opisyal ng malakanyang na si Muking Espino.  

Naglabas ng show cause order ang Komite laban kay Col. Hector Grijaldo.

Kung maalala si Grijaldo nagsalita sa pagdinig ng senado at ibinunyag na pinipilit siya magsalita at aminin ang isyu sa reward system  nina Rep. Dan Fernandez at Rep. Bienvenido Abante.   

Hinimok naman ni Rep. Zia Adiong ang komite na padaluhin sa pagdinig ng si Atty. Martin Delgra na abugado ni ex-PRRD imbes na magpadala ng sulat. 

Nanindigan naman si Rep. Stephen Caraps Paduano na maglabas ng show cause order laban kay Atty. Delgra at ipaliwanang ang unang sulat at ang ikalwang sulat nito sa Komite. 

Naniniwala naman si Adiong na kailanman hindi dadalo sa pagdinig ng quad com.