-- Advertisements --
Yedda Marie Romualdez
Yedda Marie Romualdez/FB image

Target sa mababang kapulungan ng Kongreso na maipasa ang panukalang itaas ang saklaw na edad ng mabibiktima ng “statutory rape.”

Sa House Bill No. 4160 ni House Committee on Welfare of Children chairperson at TINGOG Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, mula sa kasalukuyang 12-anyos, itataas sa 16-anyos ang edad na maaaring magsampa ng kasong statutory rape.

Nakasaad sa ilalim ng Revised Penal Code na 12-anyos lang ang saklaw ng statutory rape, habang anumang sexual activity mula 18-anyos pababa ay maituturing child abuse at exploitation.

Sinabi ni Romualdez na dapat nang mabago ang edad na saklaw ng statutory rape sapagkat ang kasalukuyang setup ay hindi na compliant sa international average ayon sa report ng United Nations International Children’s Fund (UNICEF) East Asia and Pacific Region.

Sa kanyang panukala, habambuhay na pagkakabilanggo ang ipapataw na parusa sa sinumang indibidwal na mahahatulang guilty sa statutory rape.

Kabilang sa mga maituturing krimen sa ilalim ng panukala ni Romualdez ang pagpapasok ng ari, kamay, at anumang bagay sa maselang bahagi ng biktima.

Ito ay kung walang malay, pinilit o tinakot, nalasing dahil sa alakm nasa impluwensya ng iligal na droga at kapag sangkot din sa sexual act ang dalawa o higit pang indibidwal.

Maging ang pang-aakit sa 16-anyos pababa ay mahaharap naman sa prison correctional sa loob ng maximum o medium period.