Nagpahayag ng pagkalugod ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panukala ni Senator Ralf Recto na itaas sa P1 milyon ang ibibigay na financial aid para sa mga sundalong nasusugatan sa giyera.
Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, malaking tulong ito lalo na sa mga disabled na sundalo na talagang nangangailangan ng tulong.
“The AFP conveys its appreciation to the good senator for his initiative. Our disabled warriors are our livining heroes who need our help now,” mensahe ni Padilla.
Dagdag pa ni Padilla na “very timely” ang nasabing panukala ng senador at lubos nila itong ikinatuwa.
Aminado ang militar na maraming sundalo ang nasugatan sa Marawi operations na ngayon ay nangangailangan ng tulong para sa kanilang medication.
“Sen Recto’s call is so timely and very much appreaicted! We hope there are more like him. God Bless our legislators,” dagdag pa ni Padilla.
Sa kabilang dako, suportado naman ng Palasyo ang panukala ng senador.