Aprubado na sa House Committee on Labor and Employment na pinangunahan ni Rep. Fidel Nograles ang panukalang batas na layong magpatupad ng P200 across the board wage hike.
Sa pagdinig ng Komite ngayong araw pinagtibay ng house panel ang substitute bill para sa House Bill 514, 756, 7871 at 10319 na pawang mga panukala para magpatupad ng umento sa sahod.
Batay sa P200 Daily Across-the-Board Wage Increase Act, lahat ng employers sa pribadong sektor, agricultural man o hindi, gaano man ang kalaki ang capitalization at bilang ng empleyado ay babayaran ang kanilang mga manggagawa ng dagdag na P200.
Nakapalood sa panukalang batas na sinomang indibidwal, korporasyon, trust, firm, partnership, association o entity na lalabag at maaaring patawan ng P50,000 hanggang P100,000 o pagkakakulong ng 2 hanggang apat na taon.
Inaatasan din ang employer na bayaran ang kaniyang tauhan ng doble ng halaga ng hindi nabayarang benepisyo.
Ang Department of Labor and Employment ang mangunguna sa pag-buo ng implementing rules and regulations ng batas.
Samantala nitong Martes nakipagpulong si House Speaker Martin Romualdez sa labor groups at nangako na madaliin ang pagtalakau ng Kamara sa panukalang dagdag sahod.