Binigyang-diin ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na posibleng talakayin ulit sa mataas na kapulungan ng kongreso ang panukalang P24 bilyong pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa taong 2024 kahit una na itong inaprubahan.
Ito ay upang matalakay aniya ang usapin kaugnay sa pag-iisyu ng Philippine passports sa mga dayuhan na nagpanggap na mga Pinoy.
Nababahala ang Senador na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa ang naturang gawain.
Una nang binawi ng Senado ang plenary approval sa proposed 2024 budget ng Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa alegasyon ng pagpapalabas ng authentic birth certificates sa mga dayuhan na ginagamit sa pagkuha nila ng Philippine passports.
Kung maaalla rin, kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na may 10 dayuhan ang naharang sa paggamit ng Philippine passport subalit hindi makapagsalita ng Filipino language.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa isyu.