-- Advertisements --
teachers

Umani ng positibong reaksyon ang panukalang 3,000 incentives para sa mga guro sa tuwing Teacher’s day, ito ay bilang pagkilala sa kanilang serbisyo sa ating bansa.

Base sa World Teachers’ Day Incentive Benefit noong 2019, P1,000 lamang ang cash gift ng mga guro ngunit sa ilalim ng House Bill No. 7840 dadagdagan ito at gagawing P3,000.

Ayon sa mga estudyante, bilang sila ang mismong nakakabenepisyo ng sakripisyo ng kanilang mga guro ay maganda at malaking bagay na umano ito.

Dagdag na raw ito sa mga pambili ng gamit ng kanilang mga guro sa silid aralan na madalas ay sariling pera nito ang ginagamit.

Sinabi ni Angela Reyes, isang grade 12 student matutuwa umano ang mga guro kahit sa simpleng bagay na ito dahil kinikilala ang kanilang paghihirap.

Samantala, ngayong taon ay mayroong 900 million pesos na pondo mula sa National Budget para sa mga guro kaugnay nitong panukala.

Kaya isinusulong ng mambabatas itong karagdagang cash incentives.

Para naman Yohann Palapada at Luigi Capestrano pabor raw sila dito dahil makakatulong talaga ito sa kanilang mga guro.

Layunin nitong panukalang batas na ito na mabigyang pagkilala ang sakripisyo ng mga guro at makapagbigay ng fullfilment sa kanilang ginagawa para sa mga kabataan.

Panawagan ng mga mag aaral na sana raw ay maisabatas itong panukala.