-- Advertisements --
CHIZ ESCUDERO

Nangako si Senador Chiz Escudero na hihimaying mabuti ang panukalang ₱5.768 trillion 2024 General Appropriations Bill (GAB) upang matiyak na ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay susuporta sa pangangailangan ng mamamayan.

Inihayag ni Escudero na pagtutuunan niya ng pansin ang tatlong sektor na kanyang ipinaglaban ito ay ang local government units (LGUs), sektor ng edukasyon at agrikultura.

Kabilang sa tatlong prayoridad ng Senador ay ang ibalik ang konsepto ng “parametric insurance” para mapadali ang pagbabayad at pagpapalabas ng pondo sa mga apektadong local goverment units sa oras ng mga sakuna.

Sinabi ni Escudero na ito na ang nakagawian hanggang sa tanggalin ito ng Kongreso noong 2019 at umaasa siyang maibabalik ang sistema sa 2024 national budget.

Dagdag pa, ang pagtatama sa deficiencies hindi lamang sa basic education sector kundi maging sa higher education sector.

Kabilang rin sa prayoridad ng Senador ay ang paglalaan ng pondo para sa Department of Agriculture (DA) na susuporta sa mga prayoridad na programa ni DA Secretary Francis Tiu Laurel upang magawa niya nang mabuto ang kanyang mandato.