-- Advertisements --

Nakatuon sa tatlong pangunahing programa ng Marcos Jr., administration ang panukalang P5.768- trillion national budget.

Ito ang ipinunto ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co sa kaniyang opening statement sa pagsisimula ng deliberasyon sa plenaryo para sa 2024 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Rep. Co, una rito ang Legacy specialty hospitals, nais ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino.

Dahil dito, popondohan ng Kongreso ang mga legacy specialty hospitals tulad ng heart and kidney centers at maging sa cancer.

Bukod sa libreng pagpapagamot, hindi na kailangan pang bumiyahe nang malayo papuntang Manila ang ating mga kababayan para malapatan ng tama at de-kalidad na lunas.

Pangalawa ang Legacy housing for the poor. Ito ang Flagship program ng Pangulo.

Nasa mahigit 6 Million housing ang target ng gobyerno ng murang pabahay para sa pinakamahihirap nating kababayan.

At ang pangatlo ay ang Legacy Food self-sufficiency. Target nito na wakasan ng Pangulo ang dinaranas nating kakapusan sa pagkain.

Dahil dito, maglalaan ang Kongreso ng mas malaking budget para sa irigasyon at agrikultura. Layunin nating maging self-sufficient o mging net exporter ng bigas sa mga darating na taon.

Susi dito ang patubig, pataba, binhi at tamang teknolohiya para sa pagtatanim.

Binigyang-diin ni Co na ang General Appropriations Bill ay ang pundasyon ng pamamahala sa pananalapi ng bansa.

Tinutukoy nito kung paano ilalaan ang pampublikong pondo upang tugunan ang mga pangangailangan at adhikain ng ating mga mamamayan.

Sabi ng mambabatas napapanahon na ang pagpasa ng panukalang batas dahil ito ay hindi lamang isang obligasyon kundi isang solemne na responsibilidad.

Hinikayat naman ni Co ang mga kapwa mambabatas na magsagawa ng proactive steps at makiisa sa mga miyembro ng Appropriations Committee na makabuo ng collective decision at irekumenda ang pag apruba sa HB No. 8980, ang FY 2024 General Appropriations Bill.

” This measure is the lifeblood of our government. It allocates funds to ensure that government functions effectively. The budget allows us to fulfill our promises to the people, address their needs, and move our country forward,” pahayag ni Rep. Co.