Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang panukalang P5.768 trillion budget para sa taong 2024.
Ang House Billl 8980 ay nakakuha ng 296 na Yes votes may tatlong No at walang nag-abstain.
Nagpasya rin ang mga mambabatas na bumuo ng maliit n commitee na mag-evaluate sa proposed amendments.
Bubuuin ng nasabing small committee nina House Committee on Appropriations chairperson Elizaldy Co ng Ako Bicol party-list, House Committee on Appropriations senior vice chairperson Stella Quimbo ng Marikina City, House Majority Leader Mannix Dalipe ng Zamboanga City at House Minority Leader Marcelino Libanan ng 4Ps party-list.
Ang P5.768-T proposed budget ay mas mataas ng 9.8 percent ng 2023 national budget na aabot sa P5.267 trillion o katumbas ng 21.7 percent ng gross domestic product.
Bago ang pag-apruba ng walang anumang pagbabago ay inanunsiyo ni House appropriations panel chairpeson Co na nagpasya ang mga House leaders na i-realign ang confidential at intelligence funds ng mga ibang civilian agencies at ilagay sa mga security forces lalo na sa tumitinding pang-aabuso ng China sa West Philippine Sea.
Sa nasabing budget ng 2024 ay mayroong pinakamalaking bahagi ang Department of Education na may P924 billion, habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay mayroong P822.2 bilyon at ang Department of Transportation ay mayroong P214.3 billion.
Habang ang Department of Agriculture ay mayroong P181.4 billion at ang Department of Health ay mayroong P306 bilion.
Ang Department of Social Welfare and Development ay mayroong P209.9 bilyon at Department of National Defense ay mayroong P232.2 bilyon na budget.