-- Advertisements --

Hindi na umano itutuloy ng Department of Education (DepEd) ang panukalang pagpapaikli ng summer break ng mga estudyante sa dalawang linggo lamang.

Sa isang mensahe, sinabi ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio na dahil tutol sa mungkahi ang kanilang mga stakeholders, hindi na raw nila imumungkahi ang dalawang linggong break.

Noong nakalipas na buwan, sinabi ni San Antonio na ikinokonsidera ng kagawaran ang pagpapalawig ng school year at pagpapaikli ng dalawang buwang summer break sa dalawang linggo.

Umani naman ito ng samu’t saring batikos mula sa mga grupo ng mga guro at kabataan.

Kahapon nang in-adjust ng DepEd ang kasalukuyang school calendar upang tugunan ang learning gaps sa mga bata ung saan inurong nila ang huling araw ng klase sa Hulyo 10 mula sa orihinal na Hunyo 11.

Hindi naman masabi ng mga education officials kung ang mga pagbabago sa school calendar ay magpapaikli summer break.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, sumasailalim pa raw sa deliberasyon ang petsa kung kailan magsisimula ang susunod na school year.