-- Advertisements --
image 369

Isinusulong ni dating Pangulo at ngayon ay House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang panukalang batas para palitan ang K-12 curriculum ng K+10+2 program.

Sa pamamagitan ng inihaing House Bill No. 7893 ng mambabatas, sakop nito ang Kindergarten, 10 taon sa basic education at kung nais ng mag-aaral na magpatuloy sa professional degree courses gaya ng accounting, engineering, law at medicine ay magdaragdag na lamang ng dalawang taong post-secondary o pre-university education.

Sa kasalukuyan kasing K-12 system sa bansa na ipinatupad sa ilalim ng predecessor ni Arroyo na si dating Pangulong Benigno Aquino III, idinagdag ang Grades 11 at 12 sa basic education program ng bana sa pag-aakalang sa pamamagitan ng karagdagang dalawang taon, makakapagtrabaho agad o magkaroon ng sariling negosyo ang mga senior high school (SHS) graduates.

Subalit sa kasamaang palad, ang realidad mas nais ng mga pribadong sektor na mag-hire ng mga college o university graduates kesa sa mga nakapagtapos ng K-12 program.

Nagpahayag naman ng commitment ang Department of Education (DepEd) na dadalo ito sa mga pagdinig ng Kongeso sa panukalang batas para palitan ang K-12 basic education program.