-- Advertisements --

DAGUPAN CITY- Iniulat 4th district congressman Christopher Toff de Venecia, na isinasapinal na sa kongreso katuwang ang ibang kongresista sa lalawigan ng Pangasinan ang panukalang pagtatayo ng Pangasinan River control system bunsod ng nararasang pagbaha sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay De Venecia, base sa kanilang pagsasaliksik hindi isolated ang baha sa ikaapat na distrito dahil nangyayari rin sa ibang distrito.

Ipinaliwanag nito na inter-connected ang mga ilog sa lalawigan at nagsisilbing catch basin ang Pangasinan kaya bumabaha sa mga mabababang lugar.

Sinabi ng kongresista na lumapit na rin siya sa NEDA at DPWH para magsagawa ng isang comprehensive study sa flooding situations sa lalawigan.

Gayunman, iginiit ng opisyal na kailangan ang mga eksperto at scientist para matugunan ang problema sa baha sa probinsya.