Ihahaing muli ng isang mambabatas ang pansamantalang suspensiyon ng pagkolekta ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa oras na mag-convene na ang 19th Congress sa Hulyo.
Ayon kay Senate committee on public services chair Senator Grace Poe, makkatulong ang pagsuspendi sa oil excise tax para agad na matulungan ag publiko dahil mapapababa nito ang presyo ng fuel products at mababawasan ang presyo ng mga bilihin.
Giit ng Senadora na ang revenues na nakokolekta ng gobyerno mula sa excise tax para pondohan ang cash aid na ipapamahagi ay posibleng huli na para sa mga pamilya na wala ng makakain dahil sa nagsitaasan na ang presyo ng mga bilihin.
Nais din ni Sen. Poe na amyendahan ang National Internal Revenue Code para sa automatic suspension ng excise tax sa regular gasoline, unleaded premium gasoline, at diesel kung ang average Dubai crude oil ay tumaas ng lgpas sa $80 per barrel.
Ayon pa kay Poe, ang suspensiyon sa excise tax ay agad mapapababa ang presyo ng gasolina ng hanggang P10 kada litro at P6 kada litro para sa diesel.