Inihain ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 2nd district Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang panukalang batas na naglalayong payagang gamitin ang marijuana bilang gamot.
Sa ilalim ng House Bill 7817 tangging ang mga “debilitating medical conditions” tulad ng cancer, glaucoma, multiple sclerosis, epilepsy, HIV/AIDS, post-traumatic stress disorder, at rheumatoid arthritisang papayagang makagamit ng gamot na marijuana.
Ngunit hindi umano sila papayagang magkaroon nito o gawin itong panigarilyo, ito ay gagamit para sa gamot lamang.
Para naman raw maiwasan ang pag abuso nito, ang mga physicians na nakarehistro lamang sa DOH ang maaaring mag issue ng certificate para sa pag gamit nito ng isang pasyente.
Samantalang hindi naman raw pwedeng mag issue ang physician sa kanyang sarili maging sa mga kamag anak hanggang sa fourth civil degree of consanguinity o affinity.
Ang ID cards ay ibibigay rin sa mga kwalipikadong pasyente pati na rin sa mga licensed nurses ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Sakaling ito ay maisabatas, ang sinomang lalabag dito ay haharap sa parusang habang buhay na pagkakakulong at magmumulta ng P500,000 hanggang P10 milyon.
Ayon kay Rep. Arroyo, dati raw libo libong taon na ang nakakalipas ay talagang ginagamit na ang marijuana bilang gamot ng mga Chinese at Indian.
Kung mapapansin marami raw ang mga pasyente sa Pilipinas ang naghihirap sa mga malubhang sakit at sila umano ang unang una na makakabenepisyo sa pag legalize ng marijuana bilang gamot.
Ayon sa pag aaral ng International Agency for Research on Cancer (IARC) in 2012, nasa 98,200 ang mga bagong cancer ang nadadiagnose at sa isang taon ay nasa halos 59,000 ang namamatay dahil sa cancer, dagdag pa ng mambabatas.