Kinatigan ng House Committee on Population and Family Relations ang panukalang batas na magbibigay ng permanenteng validity sa live birth, marriage, at death certificates.
Batay sa House Bill 7779, magiging panghabambuhay na ang validity ng naturang mga certificates na inisyu, nilagdaan, sinertipikahan at pinatotohanan ng mga tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA), Local Civil Registry Offices at National Statistics Office (NSO).
Ibig sabihin, hindi na obligado ang isang aplikante o indibidwal na kumuha pa ng updated na certification ng live birth, death, o marriage, kung mayroon namang malinaw na kopya nito.
Sa kasalukyan, hinihingi bilang requirement ng marami sa government agencies at employers ang mga certification mula sa PSA, na dapat ay naka-print sa bagong security paper at hindi dapat lalagpas ang date of issuance ng anim na buwan.