-- Advertisements --
image 378

Pinuri ng Commission on Population and Development (PopCom) ang sponsorship speech ni Senator Risa Hontiveros sa pagpigil sa pagbubuntis ng mga kabataan.

Ayon sa komisyon, lubos nilang sinusuportahan ang panawagan ng mga mambabatas na ipatupad ang mga iminungkahing hakbang ukol sa teenage pregnancies.

Ito’y tinawag ni Hontiveros bilang isang progresibong hakbang sa pagharap sa isang national social emergency.

Si Sen. Hontiveros ang nag-sponsor ng Senate Bill (SB) No. 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancies Bill, kung saan umapela siya sa mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng mga paraan upang matugunan ang isyu.

Kung maipapasa ang batas, ang Senate Bill 1979 ay higit na magpapalakas sa pagpapatupad ng Reproductive Health Law, bukod sa iba pang kaugnay na mga batas, at magpapatibay sa Executive Order 141, na nag-uutos ng isang whole-of-government na diskarte sa pagbibigay-priyoridad sa mga hakbang upang tumugon sa mga sanhi ng teenage pregnancy.

Higit pa rito, papahusayin din ng panukala ang Social Protection Program for Adolescent Mothers and their Children, na magkatuwang na ipinatupad ng Commission on Population and Development o Popcom at ng Department of Social Welfare and Development.

Top