-- Advertisements --
image 455

Pagdedebatehan pa rin ng mga mambabatas ang panukalang pondo para sa 2024 ng Office of the President at Office of the Vice President sa deliberasyon sa plenaryo sa susunod na linggo.

Ayon kay House appropriations committee Senior vice chairperson Stella Quimbo, hindi nangangahulugang aprubado na ang pondo ng nasabing mga tanggapan dahil sa parliamentary courtesy sa dalawang opisina noong kasagsagan ng pagdinig ng panel.

Matatandaan kasi na inaprubahan ng House appropriations committee ang mga pondo ng OP na P10.7 billion at OVP na P2.385 billion para sa 2024 nang walang mga katanungan bilang parliamentary courtesy sa dalawang mataas na opisyal ng bansa.

Nananatili din ang panukalang pondo sa confidential funds ng OP at OVP sa kabila pa ng pagkuwestiyon ng mga mambabatas sa oposisyon.