-- Advertisements --

Aprubado na sa House of Representatives ang House Bill 9007 na nagreregulate sa pagbenta, paggawa at paggamit ng mga e-cigarettes.

Nakakuha ito ng 194 na boto habang 34 ang kumontra at apat ang nag-abstain sa kamara.

Sa nasabing panukalang batas ay dapat yung mga may edad 18 pataas lamang ang bibili at kapag ito ay ibinenta online ay dapat sumunod ito sa mga panuntunan na ipinapatupad ng gobyerno.

Sinabi naman ni Bayan Muna party-list Representative Eufemia Cullamat, na kumontra sa nasabing pagpasa, na ang nasabing panukalang ay magdudulot ng alarma dahil madali na lamang itong mabili kung saan.

Ayon naman kay Kabataan party-list Rep. Sara Jane Elago na nais nilang itaas sa edad 25 ang mga bibili ng mga e-cigarettes.

Magugunitang noong Pebrero 2020 ay naglabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabawal ng paggamit ng vape at kahalintulad sa mga pampublikong lugar dahil sa magdudulot ito ng panganib sa kalusugan.