Hinikayat ng Department of Energy ang publiko na ipaubaya sa mga eksperto ang pagtiyak na walang dapat ikabahala sa mga panukalang rehabilitasyon sa Bataan Nuclear Power Plant.
Sa harap na rin ito ng pangamba ng ilang sektor na hindi ligtas at secure ang posibleng muling pagbuhay dito.
Sinabi ni Energy Usec. Gerardo Erguiza Jr., na dalawang malalaking kumpanya sa mundo ang nag garantiya matapos magsagawa ng mga pag aaral na pwedeng irehabilitate ang Bataan Nuclear Power Plant.
Ayon kay Erguiza, noon pang itinatayo ang nuclear power plant hanggang ngayon ay nananatiling alegasyon ang mga sinasabing hindi ito ligas.
Tiniyak ni Erguiza na dadaan pa sa masusing pag aaral bago aprubahan ang muling pagbuhay sa nuclear power plant, dadaan aniya ito sa pagtanggap ng mga stakeholder, at kailangang maisabatas ang framework nito kabilang ang mga proseso, at aspeto ng kaligtasan at seguridad.
May pagkakataon aniyang maidulog ng mga sector ang kanilang pangamba at debate kapag naihain na ito sa Kongreso.