CENTRAL MINDANAO-Pinag-aralan ngayon ng lokal na pamahalaaan ang panukalang road train sa probinsya ng Cotabato
Sinabi ni Cotabato Governor Nancy Catamco sa pakikipagpulong nito via Zoom sa top officials ng Department of Science and Technology (DOST) at mga miyembro ng bagong tatag na Cotabato Provincial Hybrid Electric Road Train Task Force na nais n’ya na masusing mapag-aralan upang madeternmina kung ang Hybrid Electric Road Train (ERT) ay “viable” bilang alternatibong transportasyon sa probinsya.
Idinisenyo ng mga enhinyerong Filipino at gawang lokal ang mga bahagi ng 40 metrong road bus na inaasahang mapapakinabangan ng mga tutungo sa Central Mindanao Airport sa bayan ng Mlang sa oras na magiging operational na.
Malaki ang pasasalamat ng provincial government sa pagkonsidera ng DOST sa lalawigan bilang isa sa recipients ng naturang proyekto, nais lamang umano ng Gobernadora na masiguro na ang lahat ay “in placed” at walang mapag-iiwanan.