Panukalang batas na nagbibigay ng tax exemptions para sa donasyon sa mga national athletes na nakikipagtagisan sa international sports competition aprubado na ng House Committee on Ways and Means sa pangunguna ni Albay Rep. Joey Salceda.
Ayon kay Salceda ang nasabing panukala ay dapat naka pangalan din sa Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang kauna-unahang Olympian na nakasungkit ng magkasunod na gold medals.
Sa kaniyang sponsorship remarks sa nasabing panukala, binigyang-diin ni Salceda ang nuong 12-anyos na si Carlos Yulo na nagpa interview na ang kaniyang tanging pangarap ay makasungkit ng gold medal sa sa Olympics para sa Pilipinas at mahigt isang dekada pa ang kaniyang ginugol bago makuha ang gintong medalya.
Ayon kay Salceda ang leksiyon dito ay ang premyo hindi agad agad makukuha sa araw ng kompetisyon kundi sa haba ng panahon na kailangan ng hard work, at determination.
Inihain ni Salceda ang House Bill No. 421, na inaprubahan nuong 18th Congress ang “Hidilyn Diaz Law” subalit hindi ito nakalusot sa Senado.
Ang nasabing panukalang batas ay nag-eexempt sa mga premyo na ibinibigay ng mga brands at kumpanya matapos manalo.
Mahalaga din na magkaroon ng tax exemptions sa mga donasyon sa kanilang mga training isang taon bago ang kumpetisyon.
Inaprubahan din ng komite na gawing retroactive ang exemption hanggang Enero 1, 2024.
Bukod sa pag-exempt ng mga donasyon isang taon bago ang petsa ng kompetisyon, iminungkahi din ni Salceda na ang mga donasyon sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission o Philippine Olympic Committee ay gawing exempted sa mga donasyon anuman ang oras .
“At the proper time, that can be introduced in the plenary. But let me emphasize this once again: it is mere tokenism, it is mere public relations, to ride the bandwagon when the victory has already been achieved. What we need to incentivize is the investments being made on the athletes who are still working on winning medals for the country,” pahayag ni Salceda.