-- Advertisements --
image 395

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang Trabaho Para sa Pilipino Law na layong makalikha ng maraming trabaho at malinang ang kalidad ng trabaho sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 8400, bubuo ng Jobs Creation Plan (JCP) na magsisilbing national master plan sa paglikha at pagrekober ng trabaho gayundin ang pag-promote ng mga programa sa skills development at enhancement upang makalikha ng desenteng trabaho.

Sa committee report sa panukala, nakasaad na layunin din nitong mapagaan ang mga hamon sa labor force.

Nakapaloob din sa panukalang batas ang pagtatatag ng Inter-Agency Council (IAC) for Jobs and Investments na binubuo ng Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Migrant Workers, Department ng Budget and Management, Department of Finance at ang National Economic and Development Authority, gayundin ang tig-isang kinatawan mula sa mga organisasyon ng pamamahala at paggawa.

Ang panukalang batas ay nangangailangan din ng aktibong partisipasyon ng mga LGU sa pagbuo ng mga plano, programa, o proyekto na nakatuon sa employment recovery at pagbuo ng trabaho sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Ang panukalang batas ay inisyal na popondohan mula sa kasalukuyang taon na paglalaan ng mga kinaiukulang kagawaran at ahensya ng gobyerno at saka isasama sa taunang General Appropriations Act o ang batas ng pambansang pondo.

Magugunita base sa datos noong Hunyo ng taong kasalukuyan, lumobo sa 4.5% ang unemployment rate o 2.33 million Pilipino ang walang trabaho.