-- Advertisements --
DepEd
DepEd FB photo

Bilang pagkilala sa papel at responsibilidad ng mga guro sa pampublikong paaralan, naihain na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong taasan ang sahod ng mga ito.

Isinampa ni Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon ang House Bill 908 kasunod nang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyag State of the Nation Address (SONA) nito noong Lunes ang dagdag na sahod para sa mga public school teachers.

Sa ilalim ng panukalang ito, itataas sa Salary Grade 15 ang minimum salary grade level mula sa Salary Grade 11 ng mga guro sa pampublikong paaralan mula elementary at high school.

Makikinabang din dito ang mga guro sa technical at vocational schools maging ang mga nasa state universities at colleges.

Ayon kay Lagon, kukunin mula sa savings ng Executive Department ang pondo para rito at sa susunod na taon naman ay ipapaloob na ito sa General Appropriations Act.