Inilabas na ng Supreme Court ang mga panuntunan para sa magaganap na makasaysayang 2020-2021 Bar Examination.
Ito kasi ang kauna-unahang digital at localized exam para sa mga nagnanais na maging abogado.
Ang 14-page Bar Bulletin ay inilabas ni Associate Justice Marvic Leonen bilang siya ang 2020-2021 Bar examination chairperson.
Hinikayat ni Justice Leonen ang mga examinees na sumailalim muna sa self-quarantine ng dalawang linggo bago ang unang Bar Sunday na magsisimula sa Enero 2, 2022 para malimitahan ang non-essential movements.
Gaganapin ang Bar exams sa 29 local testing centers sa Enero 16, 23, 30 at Pebrero 6.
May mga waiver naman na pipirmahan ang mga kukuha ng Bar examinations.
Lahat naman ng mga fully vaccinated na ay kailangan magpakita ng kanilang vaccination cards at antigen test results na isinagawa 48 oras bago ang pagsisimula ng pagsusulit.