Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) ang panunumbalik ng supply ng kuryente sa ilang mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’.
Ayon sa Meralco, 6,000 na residente pa ang kanilang sinisikap na mabigyan ng power supply mula sa 535,000 nitong kabuuang ulat noong Huwebes na nakaranas ng power outage.
Sa kasalukuyan 24/7 operation umano sila upang mapanumbalik ang supply ng kuryente sa mas maraming pang lugar sa Cavite at Laguna na napinsala noong kasagsagan ng bagyo.
Dagdag pa ng Meralco na muli silang nakahanda para sa service interruptions na pwedeng maidulot ng panibagong bagyo na si ‘Leon’.
Para naman sa mga nararanasang power outages at iba pang katanungan, hinimok ng Meralco na makipag ugnayan sa kanila sa mga numero na 0920- 9716211 at 0917-5516211 o tumawag sa Meralco hotline na 16211 at 8631-1111.