Pinangunahan ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang pagpapanumpa sa 231 mga bagong patrolman at patrolwomen na nagtapos sa Public Safety Field Training Class at Public Safety Basic Recruit Course.
Ang mga bagong pulis ay makapagsisimula na sa trabaho sa “temporary status” na may sweldong P29,000 kada buwan.
Ang panunumpa ng mga bagong pulis ay kasabay sa ika-29th founding anniversary sa pamumuno ni Maj. Gen. Debold Sinas.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Gamboa na ang kanyang pagbisita sa NCRPO ay bahagi ng command visit sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang regional offices upang mapakinggan ang mga concerns ng mga pulis.
Pinangunahan din ni Gamboa ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng NCRPO Camp Development Project na may kabuuang halagang humigit kumulang sa P2 bilyon.
Pinaalalalahan din ni PNP chief ang mga bagong pulis na gawin ang mandato bilang isang law enforcer.
Maging matapat sa serbisyo at iwasan ang anumang uri ng korupsiyon at mga iligal na gawain.
Binigyang diin din ni Gamboa na tuloy pa rin ang programa ng PNP sa pagmantine ng body mass index.